Friday, 26 July 2013

ISANG PANANALIKSIK SA KULTURA NG PROBINSIYA NG QUIRINO

  
SIMBOLO NG KULTURA


I. KULINARYA

Ang lutuing Pilipino ay ang pinagsanib na lutuin ng iba’t ibang mga pangkat etniko ng Pilipinas. Naimpluwensyahan ito ng mga lutuin ng mga Asyano, Europeo, Mehikano at mga Amerikano. Ipinapakita sa lutong Pilipino ang kasaysayan ng Pilipinas. Lumitaw ang pagiging katangi-tangi at kaiba nito mula sa pagkakaroon ng batayan ng mga sangkap na Malay, Intsik, Hindu, Kastila, at Amerikano. Ang katutubo talagang pagkaing Pilipino ay malapit sa mga katutubong lutuin sa Indonesya, Malaysiya, Taylandiya, at ibang mga bansa sa Asya. Isa sa nakaugaliang gawi sa pagkain ng mga Pilipino ang pagkakamay o paghuhugis-bilog ng kanin sa pamamagitan ng mga daliri habang pinipisil sa plato bago isubo sa bibig.


SINIGANG NA KARNE NG BABOY

Ang Sinigang ay isang lokal na lutuin na may sangkap na karne, isda at shellfish na niluluto sa maasim na sabaw na may kasamang dahon ng kamote, kangkong, sitaw, okra, sigarilyas, puso ng saging, ugat ng gabi, hiniwang talong at labanos. Maaaring gamitin ang sampalok, hilaw na mangga, bayabas, santol at kamias bilang pampaasim. Kung isda ang nais isigang, miso at dahon ng mustasa ang ginagamit sa pagluluto.




Sa aming munisipalidad, ang CABARROGUIS – Ang mga nakatira dito ay pawang mga Ilokano. Pinapakuluan ang karne ng baboy sa kaserola na nilalagyan agad ng sibuyas, paminta at asin.  Ang karaniwang ginagamit namin sa pagluluto at pagpapaasim  ng sinigang na baboy ay bunga at murang dahon ng sampalok na pinapakuluan sa hiwalay na kaserola tsaka ito dinudurog para matanggal ang buto at balat nito na sinasahugan din ng mga gulay na nakikita sa aming mga bakuran at ito ay ang bunga ng sitaw, ugat ng gabi at talbos ng kamote. 



Sa Bayan naman ng  DIFFUN ay madalas silang gumagamit ng kamyas at kamatis bilang pampaasim. Ganun din ang paraan ng pagluluto gaya sa Cabarroguis Sinasahugan din ng puso ng saging dahil ito ang marami sa kanila.  Nalaman ko din na ang hugas bigas ang ginagamit nilang pansabaw ditto. Ginaganap din ang SABA festival tuwing ika 4 ng Hulyo.





Ang pangatlong bayan ay ang SAGUDAY, dito ay maraming tubo at saging, maraming kabahayan dito ay gumagawa ng sukang BASI na siya ring ginagamit na pampaasim sa kanilang sinigang na baboy. Ang kakaiba nito ay okra at talong ang sahog na gulay ng kanilang sinigang. 


Sinigang man itong naturingan, ma pa baboy, baka,manok,  hipon, bangus, isda atbp… inaasiman man ito ng suka, bayabas, sampalok, kamyas, kalamansi, kamatis o ano mang pampaasim…pige,laman o tadyang man ang isigang ko, ulam pa rin ito ika nga. Tayong mga Pilipino ay likas na mahilig sa pagkain at hilig ang kumain at isa ako sa halimbawa, pagpapatunay ito na wala man akong sapat na pera o mahirap man ang buhay ko, kahit ano ang ulamin ko, basta pamilya ko ay kaharap, ang sinigang ko ay kasing sarap ng sinigang sa VIA MARE at ang asin na panimpla sa sinigang ay kasing sarap ng ANCHOVIES sa  SOFITEL.



II. LARONG PINOY

Ang mga tradisyunal na larong Pilipino ay sadyang nakapang-aakit, kakaiba, at bunga ng malikhaing imahinasyon. Sa magkakasabay na hiyawan ng bawat manlalaro ay hindi mo mapipigilang mapasali sa kasiyahan. Sa katunayan nga, kahit na magalit pa ang ina kapag umuwi ang batang marumi, pawis, at amoy araw, bawat batang Pilipino’y hindi inaalintana maski pa mapingot ang kanilang mga taynga makasama lang sa paglalaro nito. Isang napakagandang bagay pa tungkol dito ay pwede itong laruin ng kahit sino ng walang bayad! Jack-en-poy, hali hali hoy! Sinong matalo siyang unngoy! Tara na at maglaro!


Lumaki ako sa pag aaruga ng aking pinakamamahal ngunit yumao ng mga nuno. Hanggang ngayon, nanlulumo pa rin ako sa lungkot tuwing naaalala ko sila at naiisip ko ang mga alaala ng aking pagiging bata na punong puno ng mgakasiyahan at asal. Ay pagkukwento ng aking lolo ang pinakapaborito ko sa lahat at ang mga kurot sa singit ng aking lola!

Halos lahat ng hapon ay ginugol naming magpipinsan sapag akyat sa mga punong kahoy at paglalaro. Ang isa sa mga pinaka paborito ko ay ang patintero. Ang larong ito ay masasabing pinakakilalang laro ng mga Pilipino. Patuloy na kumakalat ang popularidad nito sa iba’t ibang lalawigan bagamat mas kilala ito sa Bulacan. Bilis, liksi, at galing sa pagtaya ng kalaban ang pangunahing dapat na isinasaalang alang ng bawat manlalaro. Ang basehan ng pagkapanalo sa larong ito ay ang bilang ng mga manlalarong nakalampas sa bawat guhit nang hindi natataya ng kalaban. Ang isang grupo ay kinabibilangan ng hindi bababa sa 10 miyembro. Maaaring maglaro ng patintero sa kahit anong lugar basta’t nasusulatan ang sahig ng yeso na nagsisilbing hangganan o kaya naman ay mga linyang dapat malampasan ng bawat manlalaro. Bilang pasimula ng laro, maghahagis ang isa ng barya upang malaman kung aling grupo ang mauunang maglaro at kung sinong grupo ang taya. Pero ang ginagawa namin nuon ay tubig ang pinagguguhit naming sa lupa na nagsisilbing hangganan.


Ang isa pang hindi ko makakalimutang laro ay ang isang larong sikat sa mga lalawigan ng Pangasinan, Nueva Ecija at Pampanga, ito ay hango sa larong Ingles na ang tawag ay Hide and Seek. Taguan.. Magandang maglaro nito sa mga lugar na maraming kubo, puno at matataas na halamanan. Kahit ilang tao ay pwedeng sumali, ang kailangan lamang ay may tukuyin na “taya”. Ang sinumang matukoy na taya ay siyang magbibilang ng hanggang 30 habang nakapikit at nakasandal sa puno na nagsisilbing home base. Habang ang taya ay nagbibilang, ang mga kalaro ay naghahanap ng kanya kanyang mapagtataguan. Pagkatapos magbilang ng taya ay hahanapin na niya ang mga nagtago. Ang bawat nagtago naman ay hahanap ng paraan upang makapunta sa home base nang hindi nakikita ng taya sabay sisigaw ng “save”. Maliligtas mula sa pagkataya ang sinumang makapunta dito nang hindi nahuhuli. Matatapos lamang ang laro kung ang lahat ng manlalaro ay nakalabas na sa pinagtataguan. Nilalaro naming ito kapag kabilugan ng buwan! Kasi maliwanag at malamig sa gabi. At dahil sa larong ito, muntik na akong ubusin ng mga tigasaw.


 Bahay bahayan ang pinaka paborito ko sa lahat. Katulad ng larong ito ang Titser Titseran (Umaarteng guro) at Doktor doktoran (umaarteng doktor). Sa larong ito ay may mga batang umaarte na tulad sa ama at ina ng isang bahay, partikular na ang nipa hut, at may kasamang beybi na manika. Ang karaniwang ginagawa ng ama dito ay pumapasok sa trabaho habang ang ina na nakasuot ng saya ay naghahanda ng makakain gamit ang mga putik na gawa sa plato at mga damo at bulaklak na nagsisilbing pagkain. Inaalagaan din ng umaarteng ina ang beybi na manika na kanilang anak. Kalat ang kasikatan ng larong ito sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas sapagkat bawat bata ay mismong sa magulang nakakakuha ng ideya kung paano sila gagayahin. At ang pinakagusto kong tauhan ditto ay pagiging isang anak, kasi my binibigay ang mga kalaro kong pagkain!









1 comment:

  1. Is this really the tradition of the province of Quirino...I don't think so?!?!

    ReplyDelete